Intrams: Ang batang madamot!

I need an honest opinion.. As you all know, intrams namin ngayon at may battle of the bands. Oo,ilang araw na kaming nag iisip ng kakantahin until we decided na yung `Will u ever learn by typecast` nalang ang kakantahin namin. So kahapon tinanong ko yung isang organizer sa school kung kaninong mga instruments yung gag...amitin, Abah.. nagulat ako ng sinabi nilang, kami daw mag pprovide. . . Umakyat ang dugo ko sa tuktok ng bungo ko,kaya lang wala na ko magagawa. So I decided to mang hiram nalang sa former teacher namin ng bass and electric guitar. Kaninang umaga, start na ng Intrams at after ng cheerdance, nag kumahog kami ni Shiela(friend & schoolmate) puntahan yung teacher ko na may guitar. ..
Pag dating namin dun, disappointed kasi, di kami mapapahiram dahil ginagamit yun sa church. Eh rule ata yun na gagamitin lang yun to worship God. Kaya sinamahan kami ng teacher namin na mang hiram sa iba nyang barkada na may banda, minalas lang kasi nasa Manila yung tropa nya, pinuntahan din namin yung ex ni Shiela pe...ro nasa studio yung mga instruments nila so di rin pwede.
Until naisip kong baka pwedeng mag rent nalang sa studio, kaya lang pag dating namin dun wala naman yung may ari, so di ako makatawad sa price na binibigay nung bantay. 2500 kasi pag set yung inarkila, ehh.. bass and lead guitar lang naman ang kulang namin, so di na kelangan yung iba. Kung ambagan, malaki padin yung need na money.
yung isang team may bass guitar na, maganda naman yung pakiusap kong baka pwedeng hiramin pag turn na namin. Tapos while nag papalit kami nila Shiela and Jeff ng outfit namin, bigalang sabi ng isang committee na di na daw kami tutugtog dahil wala daw kaming dalang instruments, NAGALIT AKO!! parang gusto kong kaladkarin yung bwiet na isang miyembro ng tribe na yon,
Tapos sabi nya, sya daw nag kumahog mag hanap ng gagamitin nilang instruments.. Ako nag hanap din, napagod din ako, sinubukan kong manghiram ng gitara pero minalas lang ako dahil wala akong nahanap o nahiraman. Kaya wag nyang sasabihing `KAPAL MUKANG HIRAM` kami sa kanya, dahil kung makapal ang muka ko di na ko gumawa at nagpakahirap para mag hanap ng gagamitin namin!After nun, nag usap mga coaches pero umalis na kami nila Shiela and Jeff umuwi na kami.. tinatawag ako pero di ko na nilingon yung coach ko. Galit ako, at ayokong mag iba ang anyo ko sa school.. Nakakatakot ako magalit at minsan ko lang maramdaman yung ganitong nang gigigil ako sa sobrang galit!
Tapos itong nilamutak ang mukang mayabang na taga ibang team, nang asar pa daw nung nakita kaming nag back out nila Shiela.. BUYBYE daw... nyahaha, chiks kasi, takot matalo kaya ayaw mag pahiram.. itataga ko sa bato, tutugtog din kami at mas astig pa sa kanila. I know may iba pang opportunity kaya nangyari toh. Mas maganda pa for sure,

Ang akin lang, ilang araw kaming nagpakapagod dahil di rin kami masyadong naaasikaso ng coach namin, kaya kami yung halos lahat nag iisip ng gagawin. Nakakapagod sa totoo lang, tapos nakaka banas dun, ikaw na nga nagpakapagod tapos sasabihin pa nila `PANGET di MAGANDA` diba? sana kahit konting appreciation lang dun sa ginawa namin. At dun naman sa `BATANG MADAMOT NA AYAW MAGPAHIRAM` napaka inconsiderate nya, dapat pinahiram nya kami tutal for fun lang naman, saka bakit.. ilang milyon ba ang mapapalalunan jan sa battle of the bands para mag himutok sya?? Kung ayaw nila ehdi wag, alam naman ng lahat kung sino ang mas magaling na bahista, vocalista at mga tunay na musikera..
`Hindi ako yung kawawa, `IKAW` yun.. nakita ng sandamukal na tao sa school kung gaano kapangit ang ugali mo!! Para kang bata na ayaw mag pahiram ng laruan.. DAMOT!! Masama pa din ang loob ko, until now.. Nagpapalamig pa ko ng ulo..`
Comments
Post a Comment