Busy day ahead

Hello,
Hay, tinanghali na ko ng gising though maaga naman akong natulog kagabi. Mga 10 pm siguro, pag uwi ko kasi kahapon mga bandang 5 pm, nag dinner na agad ako.. Then nag check ng mga emails. Tapos ginawa ko na agad yung thesis ko. Baka kasi mawalan na ko ng time para asikasuhin yon, buti nalang nagawa na ni boipren yung ibang part ng research kaya di na rin ako masyadong nahirapan. Konting dagdag ng reference. Actually I'm almost done, dedication nalang and aayusin ko nalang yung questions.
Mamaya whole day practice kami kasi wala pa kaming ippresent sa dance contest, so talagang `PAGOD` mode ang araw na to. Well ganun talaga, mahirap na baka mag ngangabells nanaman si SELNA ang babaeng bungangera! Kahit nakakapagod ang araw, ok lang kasi nanjan naman ang aking mga beshie, tulong tulong kami:] naks!
Nakakapagod mag practice ng cheerdance pero, hahaha.. Last year na namin toh sa highschool eeh! Kay enjoy nalang, paos nanaman ang aabutin ko mamaya. May practice pa kami sa studio mamayang hapon para sa battle of the bands. `Your Guardian Angel` and `My Heart`
BUBHYE...
Comments
Post a Comment