Ang YEMA


Share ko lang ang isa sa mga unforgettable memories ko when I was in gradeschool.
Coz, nahilig nanaman ako sa pag kain ng yema. Dami nian kasi sa San Juan sa tindahan sa kanto.

Mas maganda ang mundo kung natatakpan ng supot ng yema.

Nung nasa gradeschool pa lang ako, mahilig akong bumili ng
yema, di dahil masarap at matamis ito o
di dahil sinusuhulan ko ang mga ngipin ko para dina uli sumakit..

Bumibili ako ng yema dahil sa pambalot nito.

Pagkatapos kong kainin ang yema at dilaan ang huling mumo nito
na malanding nakadikit sa pambalot, ay dahan-dahan kong pupunasan ito ng uniform, tsaka susuot ng supot na parang
shades.

Tinanong ko ang matamis at malagkit na bagay sa ilalim ng supot na iyon, “masaya ka ba’t
nakakulong ka dyan sa iyong colored na sisidlan”.

“Naman!” turan nya.

“Ikaw Masaya ka ba’t nakikita mo ang iyong paligid ng
ganyan.”

“Naman!” proud ko ring turan

“Masaya ka ba’t nakikita mong nilulustay ng
dekadenteng buwaya ang kabang pinahirapan ng tindera’t magsasaka.?”

“Umm?”

“Masaya ka ba’t nakikita mong binubuyangyang ng iyong presidente ang likas yaman ng iyong bansa kapalit ng tobleron at hersheys.

“a eh…”

“Masaya ka ba’t nakikita mong makapal pa ang bilbil ng
mga dayuhan at singkit na mamumuhunan
kesa sa walumpong porsiyentong
pinagsamang yaman ng mamayan ng bansa”

“….!?”

“Malamang masaya ka rin at singkapal ng bilbil ng mga iyan
ang dami ng carbon dioxide sa earth surface at melamine content ng kending white rabbit.”

“….”

“Masaya ka ba? Ha?” hirit nya



Ha?” at huling hirit
na makulit pa nya.

“Grade two pa lang po ako at di ko po alam ang ispeling ng
carbon dioxide at kung anong gamit nito.” Depensa ko sa naghihimutok na yema.

“Halika at tingnan mo”

Sinilip ko ang mundo gamit ang pulang pambalot nya. Doon
naging maganda at singpula ng pag-ibig ang aking nakita. Malayo sa dating anyo. Parang pulang paraiso.

Gusto kong maging yema.

Comments

Popular posts from this blog

“Momay”

Goodmorning!!

Thanks APC!