Jonathan Bryan Catabas



Well almost six years na kaming mag kaibigan ni Bryan. Grade 5 sya nung nag transfer sa school, pero di kami agad naging close. I remember pa nga kung panu kami nag simulang mag pansinan. I've noticed kasi na nag iisa lang sya sa sulok nun and walang kumakausap sa kanya. Kaya ako yung unang kumausap sa kanya. sabi ko pa nun " ui pansinin naman natin yung isang bata dun " hahaha.. Tapos, ayun lagi ko na sya kinakausap. Naging mag bestfriend kami nung grade 5 and 6. Alala ko pa nun, pag hapon lagi kami nag bibike sa me palengke, sya nga nag turo sakin kung panu mg bike. Mahina kasi loob ko. Then, new year ng 2006, dito sya nag spend ng new year sa bahay. May mga pictures pa nga kami nun. Nakakatuwa tignan. Tapos sabay kaming nag graduate nung elementary. Naging classmate ko sya nung 1st year kami, then nag transfer sya sa Colegio pero nung 3rd yr bumalik sya. HEHEHE^^ until now classmate ko sya.

One time, subject ata yun ni Sir. Decson, napag tripan ko yung binder nya. Naka sulat kasi dun " save the earth ", eh natutuwa ako , kaya pinabasa ko sa kanya. Ang kulit ng facial expression nya, kaya tawa ako ng tawa. tapos, meron dun yung lalagyan ng name and address.. Mukang, lapida..heheh.. Inaasar ko nga, parang yung name tag sa morgue diba sa paanan nilalagay yun, sosyal pa me cp # ..

--- Describe Bryan ---

* Hindi sya PIKON pero madali mag init ang ulo,

Yan si bayang.. hindi pikon pero madaling uminit ulo. For example, inaasar sya or some of our classmates are bullying him. Hindi yan napipikon agad, wag mo lang sagarin ang pasensya dahil manununtok talaga yan.
Mainitin ang ulo, pag ang binira mo eh yung mga labs nya sa buhay. i.e friends, kapatid, lalo na ang mama nya.

* He loves his brother and Mama very much,

Yang si Bryan, kahit puro barkada di padin nya nakakalimutan yung duty nya as kapatid and anak. OFW ang mom nya sa Malaysia and alam ko ang pakiramdam ng malayo sa nanay. Saming lahat. pansin ko.. Lahat na birahin mo, wag lang nanay ko dahil babaliktad talaga tingin mo sa mundo. He loves his mama very much, sa katunayan nga pag may problem yan sa pamilya sakin pa yan mag oopen. Ako, pa advice advice lang pero sinasabi ko na nasa kanya padin ang decision diba?

* Ang kulit...

Naku si bayang, super kulit.. Minsan nga sa classroom super tahimik taz kakanta nalang yan, Take note ang kinakanta pa nyan kung hindi isang linggong pag ibig, larawang kupas. Oh diba? kaya lahat matatawa sa kanya, pati ngamga teachers di nakakawala. Minsan, hindi mo rin maintindihan yung mga pinag sasasabi nya, hehehe..peace tau bay! Pero kahit ganyan yang si Bryan, pag may problema ako.. Isa na din sya sa mga nakapag papasaya sakin.

* Chickboy,

Mga girls, di nyo lang alam. Ang dami ng naging gf ni Bryan, yung iba sa kanila infairnes maganda aa! Wag nyo mamaliitin yan, ewan ko ba kung bakit ang lakas ng charisma nyang si Bayang, siguro nabibighani sila sa Killer Smile nya, hehehe. Di ko nga malaman kung bat di nauubusang ng gf yang tao na yan. Pero, gaya ng iba nag hihintay padin sya sa taong deserving sa pag seseryoso nya.

Comments

Popular posts from this blog

“Momay”

Goodmorning!!

Set you free:(